Linggo, Hulyo 26, 2015

PAGSASALAYSAY (Nangyari noong Sabado at Linggo)

PAGSASALAYSAY
(Nangyari noong Sabado at Linggo)

                                       Nang magising ako ng Sabado ng umaga napabalikwas ako ng gising dahil sa di inaasahan na huli ako ng gising. Naligo ako ng mabilis at kumain ng napaka bilis.Tumungo ako ng paaralan upang magsagawa ng pag eensayo sa pag arte (thespian).Sobrang kaba ko noong nakita ko si Sir G.sa kadahilanang ako ay nahuli sa pagdalo.Sa di inaasahan hindi naman siya nagalit ,mabuti na lang at naging maayos naman.Sobrang naging makabuluhan ang araw ng Sabado sa buhay ko.Madami akong nakahalubilong ka co thespian ko.Yung iba masasabi ko na mahirap pagkatiwalaan at pakisamahan hindi naman kasi sa panghuhusga madaming nadagdag na may ugaling mahirap pakisamahan.Bagamat umuwi akong pagod sulit naman dahil sa wakas natapos din ang pinapagawa ni Sir sa amin at masaya ako dahil ako ang namuno nito.Nang makauwi na ako ng bahay naku po ang lakas ng ulan.Sinalubong ako ng aking ate at sinabing magpapasama siya sa Coggeo upang bumili ng isusuot niya sa acquatance party na gaganapin sa ika-31 ng Hulyo.Nang marating namin ang pupuntahan namin ay lubos talaga akong napagod dahil sa gutom kaya naman nilibre ako ng ate ko.Ginabi na din kami ng uwi.Natulog ako ng maaga .

                            Nang magising ako sa araw ng Lingo agad akung nagtungo sa kusina upang kuamain.Matapos kumain ako at ang pamilya ko ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.Nang kami ay makauwi na ginawa ko na agad ang mga takdang aralin ko at tinulungan ko ang aking kapatid sa pamamalantsa.Matapos ay ginawa kona ang blog na inaatas sa amin ng aking guro.

PAGLALARAWAN (katangian na gusto ko sa isang kaibigan)

PAGLALARAWAN 
estiponahermielyka.blogspot.com
(katangian na gusto ko sa isang kaibigan)

                                   Ang pag kakaroon ng isang totoong kaibigan ay napakahirap makamtam.Simple lang naman ang gusto ko sa isang kaibigan, gusto ko yung kaibigan na andiyan para intindihin ako,handang tanggapin kung anu man ang mga pagkukulang ko at pangit kung ugali.Isang kaibigan na hindi ako babalikharapin.Masayang matagpuan ang isang kaibigang magalang,hulma sa pangaral ng magulang ,maka Diyos ,at higit sa lahat di marunong makalimot sa pinagsamahan na  inyong binuo.
                           

                                Noon naranasan ko na din magkaroon ng kaibigan hindi lamang basta kaibigan,at iyon ay walang iba kundi ang aking nakatatandang kapatid na ate na nagngangalang Shinna Estipona. Para sa akin siya ang isa sa numero uno kung kaibigan.Halos lahat ng gusto ko sa isang kaibigan ay nasa kaniya na.Mabait, may takot sa Diyos,magalang,marunong manindigan,at maasahan. Siya ay laging nariyan sa oras na kinakailangan ko siya. Naalala ko noong may proyekto ako hindi siya matutulog hanggat hindi pa natatapos ang aking proyekto. Napaka mapag mahal niya at lubos na maasahan. Totoong tao siya ni minsan hindi ko naramdaman na naging madaya siya.Kapag may problema ako siya lamang ang lubos na nakakaintindi sa akin.Hindi niya ako iniiwan hanggat alam niya na hindi ako maayos.Mga katangian na gusto ko sa isang kaibigan ay pawang nasa kaniya na.

                          Kabigan ,kaibigan,kaibigan.....Ikaw,anu ang gusto mo sa isang kaibigan?


       

Linggo, Hulyo 19, 2015

Pamagat: Alamat ni Juan Tamad (hermie lyka estipona)

Pamagat:   Alamat ni Juan Tamad
(hermie lyka estipona) 

                           Isang araw si Juan Tamad ay nag nanasang kumain ng bunga ng bayabas, imbis pitasin na niya ito at kainin mas minabuti pa niyang humiga sa tapat nito at hintayin ang pagbagsak ng bungang kakainin.Sa kaniyang pag aabang sa paglaglag ng bungga inunahan na siya ng babaeng nag ngangalang Mariang Masipag. Agad niyang piƱatas ang bungga nang Makita siya ni Juan tamad ay nainis ito. Siya ang kauna unahang dalagang nagsabi kay Juan na dapat ay di maging tamad. Sa pagmulat ng mata ni Juan ay agad siyang humanga sa babae. Kinabukasan ay nagpasya siya na umakyat ng ligaw sa dalaga agad siyang kinipanayam ng ina ng dalaga at tinanung siya bakit Juan Tama dang kaniyang nagging pangalan.
                          Agad namang tumugon si Juan Tamad sa katanungan ng matanda sinabi niya ang unang dahilan.Naibahagi niya na ang unang dahilan ay nuong pinagtinda siya ng puto ng kanyang ina. Sa sobrang kainitan ng panahon at dala ng kapaguran ay mas minabuti niyang magpahinga.Habang siya ay nagpapahinga ay minabuti niyang tingnan ang kalidad ng produkto  ngunit habang siya ay kumakain  siya ay nahabag sa dalawang gutom na palaka kaya naman minabuti niyang ipakain lahat ng tinda niyang puto sa dalawang gutom na palaka. Habang siya ay pauwi na nakuha niyang magsinungaling sa kanyang magulang upang hindi mapagalitan bitbit niya ang dalawang palaka. Sa galit ng kaniyang ina ay pinagbabato siya ng mga kagamitang pangbahay.
    Ikalawang dahilan ay nuong  kumalap ang galis at garapata sa kanilang bayan. Sa kadahilanang di makakayanang lumabas ng kaniyang ina dahil nangangati sa pulgas ng aso ay naantasan siyang magbenta ng palayok sa palengke. Sa di inaasahang pangyayari dala ng kaantukan ay nabangga  siya ni Mariang Msipag na naka bisekleta. Agad na humingi ng paumanhin Si Mariang Masipag  dahil sa aksidenteng nabasag ang mga palayok na bitbit ni Juan.Ginawan ng paraan ni Juan ang mgga basag na palayok dinikdik niya ito ng pinong pino at ibinalot sa dahon. Siya ay nagtungo sa palengke upang ibenta ang pinong palayok na di umanoy gamut sa pulgas.Tinangkilik ito ng mga tao ngunit nang malamang ito ay hindi naman talaga gamot agad siyang dinumog ng mga galit nag alit na taong bumili sa kanya.Umuwi siyang dala dala ang pait na sinapit nang hinanap ng kanyang ina ang pinagbentahan ng palayok siya ay nagsinungaling kaya naman nagalit sa kanya ang kaniyang ina.Dahil sa nangyari pinaluhod siya sa asin ng kaniyang ina upang magtanda. Matapos ay pinabili siya ng asin upang may magamit sa pagluluto ang kaniyang ina. Nang siya ay makabili na napadaan siya sa ilog nais niyang maligo sa ilog ngunit nagdalawang isip siya na baka manakaw ang asin na kaniyang binili kaya naman nilubog niya ito sa malapit sa dalampasigan habang siya ay naliligo. Matapos niyang maligo kinuha niya ang biniling asin nakita niyang natunaw na ito umuwi siyang bitbit ang supot ng asin at sinabi sa kanyang ina na ninakaw ang asin na binili. Dahil sa ginawa niya galit  na galit ang kaniyang ina.
 Matapos ang insidenteng iyon siya ay naglakas loob na manligaw sa dalagang si Mariang Masipag ngunit taliwas sa kagustuhan ng ina ni Maria ang panliligaw ni Juan dahil sa katamaran nito.Isang araw naantasan muli si Juan na bumili ng alimango sa palengke bago manligaw kay Mariang Masipag. Nang siya ay nasa tapat na ng bahay ni Mariang Masipag mas inuna niya ang pagliligaw kaysa sa utos na binilin ng kaniyang ina.Sa halip na iuwi sa bahay ang mga alimangong binili inutusan niya itong umuwi sa bahay at sinabing sa pangalawang kanto lumiko kayo at sa pang pitong pinto doon ang kanilang bahay.
Matapos ang pangyayaring iyon masaya siyang nagtungo sa bahay ni Mariang Masipag upang umakyat ng ligaw.Galit na galit ang ina ni Maria sa tamad na si Juan ngunit di ito inalintana ni Juan . Sa bahay bakuran nina Maria nadatnan ni Juan na naglilinis ng bakuran si Maria pinuntahan niya ito at ginamitan ng mga matatamis na salita.
Naabutan naman ng ina ni Maria ang pagliligawang ginagawa kaya naman mabilis nitong tinungo ang kinaroroonan nina Maria at Juan.Pinauwi niya si Juan sa kadahilanang hinahanap ito ng ina at baka daw mahawa si Maria sa katamaran ni Juan.
Nang makauwi si Juan agad na hinanap ng kaniyang ina ang mga alimanggong nabili laking gulat ni Juan dahil hindi pa pala nakakauwi ang mga alimanggong kaniyang binili sa palengke.Naupo sa isang tabi ang kaniyang ina lumong lumo sa nangyari at dala ng katandaan sumakit ang puso niya dahil sa paulit-ulit na gawain ng anak.
Sa isang dako naman ay hinihintay ni Maria si Juan ngunit  hindi nakasipot si Juan dahilan ng pagbabago nito. Nakita ni Maria ang buong pagbabago ni Juan .Kumbaga hindi na siya ang dating Juan na mas inuuna ang mga bagay na hindi naman importante, hindi na siya ang Juan na mas uunahin ang layaw ng katawan at lalong hindi na siya ang dating Juan na walang pagpapahalaga sa oras at magulang.
Ito ang simula ng kaniyang pagbabago. Ngunit dahil na rin sa kagustuhan at paninigurado ng mga magulang ni Maria sinubok nila ang katatagan at diterminasyon ni Juan.Pinagtrabaho nila ito at matagumpay na naisagawa ni Juan ang lahat.Lagi na siyang gumagawa ng tama.Naikasal sila ni Mariang Masipag at nang lumaon hindi na Juan Tamad ang tawag sa kaniya kundi Juan Tama na dahil lagi ng tama ang kaniyang ginagawa.