Sabado, Pebrero 27, 2016

gawain ko noon kahit ngayon


bata pa po ako xD


NUNG BATA PA AKO


 Nung bata ako ? Ano? Kaya mga ginagawa ko ,Isa rin ba ako? sa mga bata na makukulit, iyakin,pasaway,masiyahin o dikaya ay ,yung bata na parang lalake kung umasta.
Sabi nila masarap maging bata habang buhay sapagkat habang buhay ka ring aalagaan ng iyong mapagmahal na mga magulang at kapatid ngunit ang buhay natin ay sadyang nagbabago ,lumalaki tayo at nag-kakaisip nag kakaroon ng sariling mga panananaw sa buhay .

Naalala ko pa noong bata pa ako hilig kong umakyat sa puno ng bayabas,paramihan pa ng kuha ang sarap ngang balikan ng mga sandaling  yuon. Ang pag sali sa laro na chinese garter na nilalaro ko parin hanggang ngayon ,ngunit
hindi na araw-araw sapagkat may mga bagay bagay  na mas importante unahing gawin kesa sa pag-lalaro tulad ng pag aaral,
Nakahiligan ko rin nuon na mag laro ng "sungka"  paborito ko iyong laruin,:)  pampalipas oras ,minsan din kapag hindi  ako maka tulog sapagkat inabot na nang madaling araw bago matapos ang mga gawain pang eskwela.
Hindi ko hilig mag laro ng mga laruan na tulad nang kinagigiliwan ng mga bata BARBIE o mga robots ,hindi kasi kami sinanay o minulat ng aking mga magulang na mag karoon noon ,sa kadahilanan na pag sasawaan din namin iyon pagdating ng panahon .
Marami pa akong mga kasanayan nung bata pa ako ngunit ito muna ang makwekwento ko. :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento