Linggo, Setyembre 6, 2015

emosyon sa nalalapit na kapaskuhan





 NALALAPIT NA ANG PASKO
                                 
          
                                       Sa nalalapit na kapaskuhan anu ang iyong mararamdaman? Marami sa atin ang nagsasabi....Üy Ninang Ninong pamasko ko ah?Napakadami ang hindi mapakali na masaksihang muli ang tunog ng kalembang ng simbahan sa madaling araw,kumain ng mga kakanin ,at iba pa. Sa makatuwid napakaraming pagkakataong inaabangan sa nalalapit na kapaskuhan kung ako ay mamarapating tanungin ang masasabi ko ay ako ay lubos na nagagalak.
                         
                               
                                    Ako ay masaya lalo na sa nalalapit ng kapaskuhan sapagkat ito ay isa sa mga  pagdiriwang hindi ko lubos makakalimutan .Para sa akin ang nalalapit na kapaskuhan ay isang handog ng puong may kapal sa atin upang ipabatid ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan.Napaka dami kung inaabangan!Isa na dyan ang puto bung-bong,sapin-sapin,kalamay, mainit na puto , at iba pa.Hindi na din ako maka basag pinggan sa paghihintay na gumising sa umaga at magsimba.

                               
                                Totoo ngang ramdam na ang kapaskuhan saan ka man pumunta. Madami na ang nag papatugtog ng pampaskong musika at iba pa. Sa panahon natin ngayon tila malabong maramdaman talaga natin ang tunay na lamig ng simoy ng hangin sapagkat tila sira na ang ating ozoned layer na siyang dahilan ng EL NINYO. Nagkalap na din sa Pilipinas ang ibat -ibang mga palamuting pang pasko na siyang nagpapahiwatig na itoy papalapit na.


                                     Pasko ...Papalapit na ang pasko....Ikaw ramdam mo na ba?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento