Miyerkules, Enero 6, 2016

THE adventure of stripe & yellow



DULA (STRIPE AND YELLOW)


REAKSYON

Ang kwento ng stripe at yellow ay tungkol sa mag kaibigan ,pamilya, at pinagmulan ni stripe , maraming mga pinag daanang unos sa buhay si stripe ngunit hindi siya nagpadala roon nanatili syang malakas hanggang sa makilala nya si yellow naging magkaibigan silang dalawa hindi na muling naramdaman ni stripe na sya ay kakaiba .Marami syang nakilalang bagong kaibigan ,nalaman nyang siya'y isang caterpillar at balang araw magiging isa syang paro-paro.
Kung sa totoong buhay man nangyayari rin iyon dahil habang tayo'y nabubuhay patuloy din ang mga problema at hindi iyon mawawala ang tanging paraan nalang gawin ay maging matatag at huwag sumuko sa laban parang katulad ni stripe.

Wala akong masabi sa husay na kanilang pinakita  noong dec.6 sa ganap na 6:00 na natapos sa ganap na 9:24 ng gabi, magagaling silang lahat ngunit may mga oras na wala akong marinig na salita na lumalabas sa kanilang mga bibig at may mga oras rin na magulo na parang nag-uunahan sa pag pasok sa entablado. Kung kayat sa umpisa nawalan ako ng ganang manood .Ngunit sa paglipas ng ilang mga oras naging tama na ang lahat. Simula ata ng lumabas si marjorie na aking kamag -aral ,siya ay gumanap bilang isang unggoy, nakuha niya ang aking atensyon napatawa niya ako ng sobra ngunit unti unti rin namang bumalik sa dati , nawawalan na ako ng ganang manoond lalo pa't ang gagaslaw ng mga tao sa likuran ko , tuloy hindi kona gaanong maintindihan ang daloy ng istorya para bagang gusto ko nang lumipat ng pwesto kung pwepwede nga lang lumipat ng araw na iyon ginawa kona , kaso baka pag ako ay tumayo magsiangalan ang mga tao sa likuran ko diba? kaya minabuti ko nalamang doon.


New Year Resolution mo ANO?


BAGONG TAON 

RESOLUTION MO ANO?

ANG new year resolution ay isang salita kung saan ang mga tao ay humihiling ,nangangako na sila ay mag babago na ?sapagkat iyon ang tunay na kahulugan ng bagong taon .Ngunit ako? hindi ako naniniwala sa new year resolution para saakin kalokohan lang yuon dahil karamihan saatin nag sasabi na sila ay mag babago na ngunit hanggang salita lamang yun hindi nila iyon napapanindigan ,yung iba sinasabi nilang magpapayat na sila ang tanong porsigido bang mag papayat hindi naman diba?

Noon nainiwala ako roon pero habang palaki ako ng palaki nag iiba na ang aking pananaw sa ibig sabihin  ng resolution , Ang sabi ng karamihan kapag daw hindi ka nag bang-git kung ano ang iyong resolution ang ibig sabihin raw noon ay ,hindi ka nagplaplano sa iyong buhay ,HINDI NAMAN IYON TOTOO yun ! wala namang tao na ayaw magbago na ayaw magplano sa buhay dahil lahat tayo ay may pangarap sa buhay hat para sa akin kahit hindi bagong taon pwede naman tayong magbago ,bakit? tuwing bagong taon ka lang ba nag babago? masaya na ako kung ano meron ako ngunit hindi ibig sabihin noon na magiging kontento na ako , lahat naman tayo hindi marunong o hindi kayang makontento sa isang pangarap lang o dikaya ay sa anumang mga bagay.

Rizal Day




RIZAL  

Sa araw na sasapit ang Dec.31 naaalala natin ang kabayanihang ginawa ng ating pambansang bayani na si Doc.Jose Rizal sya'y nakipaglaban sa mga kastila ngunit kailanman hindi siya gumamit ng anumang dahas , ginamit niya ang kanyang talento sa pag-sulat . at nakalikha ng mga nobela isa na roon ang noli me tangere na pag sa oras na binasa mo iyon mararamdaman mo ang say ,pighati,kalumbayan,at iba't ibang dahas .
May nag sasabi na sya ay taksil sa inang bayan sapagkat ang mga ari-arian lang naman niya ang kanyang ipinaglaban sa sariling kapakanan nya lamang at ng kanyang minamahal ,ngunit wala namang tao na iaalay ang sarili kung sa sariling kapakanan lamang diba? 
Dec.31 ang araw ng pagkamatay ni Rizal , napaka memorable  nito para saatin  kung kayat bilang pag -alala sa kanyang kabayanihang ginawa tuwing sasapit ang huling araw ng dec. ipinagdidiwang natin ang rizal day


SA ARAW NG PASKO





Araw  ng pasko
                                     
                                    

Sa   Araw ng PASKO!:)

 Ang pasko ay napakahalaga para saating lahat simbolo ng pagmamahalan at ang kapanganakan ng ating panginoong Jesus kung kayat naka- ugalian na natin na mag handa tuwing pasko  .At syempre    noong araw ng pasko , halos wala akong makitang tao sa labas ng aming  bahay siguro "busy"  sila  kapapamasyal at kapamamasko sa kanilang ninang at ninong .Ako ? hindi ko na ugaling mamasko sa mga ninong at ninang ko dahil alam ko naman na tataguan lang nila ako kagaya noong bata pa ako , sinasabi nila na sa new year na lang daw  , ganoon talaga sila kakuripot! kung kayat minabuti ko nalang na huwag mamasko ngayon pa't malaki na ako . Ana chirstmas namin ?! hindi ko naman masasabi na  Malungkot o dikaya'y Masaya ,tama lang kahit hindi kami kompleto ok! lang sapagkat kasama ko naman ang aking mga magulang  at syempre masaya narin ako roon , Sinalubong namin ang pasko ng may ngiti saaming mga labi , nagsalo salo sa mga handang pagkain.

Maagap ding nag paputok ang aming mga kapitbahay halos mabangag na nga ako sa sobrang lakas ng tunog ng paputok hindi naman ata sila  excited  para sa  new year ,wala naman kaming magawa  sapagkat pasko naman ? sabi nga diba "kapag pasko magbigayan para  more blessing's to come.