Sabado, Marso 19, 2016

filipino


 FILIPINO
(mga talakayan)
 
Noong elementary pa ako  ayaw ko ng filipino kasi hindi nagtuturo ang guro namin puros pasulat na lang ata ang alam na gawin hinahayaan lang kaming mag -ingay at kung minsan ay matulog sa oras ng klase nya ang bait nga nun diba ,wala ata akong natutunan sa filipino noon kundi ang pagkakaiba at ibig sabihin  lang ng lantay ,panaguri at pagsukdol akala ko tuloy noon na iyon lang ang ituturo at ituturo muli ng susunod ko pang guro ngunit hindi pala .
Nang tumuntong naman ako ng highschool nalaman ko ang tunay na turo sa filipino hindi lang pala iyon  marami pa parang mga turo rin pala sa inglesh tinagalog lang.
Naaalala ko pa yung talakayan  namin minsan sa filipino ang tungkol sa paglisan sumulat kami noon ng sanaysay ,maikli lang naman:) noli me tangere talaga ang gusto kung parte lalo na yuong mga theorya .
noli me tangere na sobrang makahulugan at tiyak na magugustuhan mo rin iyon.
 

shooting


noli me tangere

Ang Shooting 

Siguro ito na ang shooting na hindi malilimutan ng aming sekyon bakit ? sapagkat kami lang ata ang umabot pa sa malayo para lang maghanap ng magandang pag -shoshotingan ng nolimetangere ,kami lang ata ang grupo na nag overnight pa para lang matapos ang shooting kaso di ako nakapunta sa shooting sila lang pala ang nag overnight kasi naman walang nag pm saakin pero kahit papaano nakasama naman din ako sa film namin supporting character nga lang !. pero ok! na iyon ako naman ang nag set ng mga isusuot nilang damit sa bandang huli na nga lang ng shooting ako nakapunta , naiinis nga ako noon kasi hindi man lang sila nag make-up o dikaya ay nag pulbos tuloy muka silang ewan ,
kaya naisip ko na dapat akong pumunta sa shooting para tumulong sa group ko iniba ko ang damit ni maria clara doon sa huli naming shoot muka kasi sya doong napadaan lang eh!
masaya ang lahat ng naging kaganapan sa shooting namin mamimiss ko talaga iyon:)

Ang guro ko


Gurong gusto ko


GURONG NAKAKAALIW

Sa unang tingin tilay makakabahan ka ,parang masungit at hindi mo mabibiro ,sa pagtapak pa lang nya sa pinto tilay mabibingi na ang iyong mga tainga sa katahimikan ,sa una akala ko ayaw niya sa mga maiiingay at gusto seryoso lang ,matalinghaga siya kung magsalita kaya kung di mo maintindihan mga sinasabi nya tiyak na magdudugo ka!:) 
Napaka-kwela ng gurong iyon masarap siyang magturo at tiyak na matututo ka talaga ayaw niyang makakarinig ng kahit anong inglesh sa kanyang oras ,sa oras lang na makaring siya ng inglesh parang umu-usok na kanyang ilong :) .Minsan namumula siya dahil sa sinusutsotan ng aking mga kaklase ,kasi naman napadaan ang Love of her life , sumasabay pati siya at atmosphere naming mga estudyante ,pwede mo ring siyang ituring nanay o dikaya ay mama kaso hindi ako malapit sa kanya kasi ayaw kong masabihan na sip-sip alam nyo naman uso yan ! minsan napa-iyak siya sa harapan namin dahil nakwento nya ang buhay niya sa piling ng kanyang papa na kahit ganoon ,mahal na mahal niya iyon ng buong puso . 
Mamimiss ko ang gurong iyon napakagaling nya para saakin pwede na  siyang magturo sa koleheyo ,!
sana may guro pang tulad nya sa susunod na pasukan .

Linggo, Marso 6, 2016

ipaglalaban ba o hindi


maria clara

PUSO O ANG MGA MAGULANG

Sa buhay natin laging nasa likuran natin ang ating mga magulang para alalayan tayo sa ating paglalakad ,alalayan tayo sa ating mga pangarap, at tulungan tayo sa pagdedesisyon ng tama .Ngunit may mga sadyang pagkakataon na kailangan naman nating tumayo ngunit ayaw naman nila sapagkat masyado pa tayong mga bata.
Si Maria Clara ,bata palamang siya'y nahanap na ang kasintahan na sa akala niya'y panghabangbuhay ,nabuhay sya sa kasinungalingan  na pilit sanang itago ngunit hindi naitago ng husto.Ang pagmamahalan nila ni Ibarra'y naglaho sapagkat pinili ni Maria ang kagustuhan ng kanyang mga magulang kesa ang sariling kagustuhan na pagmamahal,
Kayo ano mas pipiliin ninyo puso o ang mga magulang ,kung satingin ninyo na mas sasaya kayo sa piling ng kasintahan ninyo piliin ninyo ang pag-ibig ngunit sana'y isipin muna bago sumabak sa bagong mundong haharapin ,
Sa mga estudyante naman na katulad ko ,mas maganda kung magulang muna bago ang pag-ibig dahil ang lahat ng bagay sa mundo ay makakapag hintay huwag munang madaliin ang buhay sapagkat lahat naman tayo'y darating din diyan.Kung kaya 't ang ating mga magulang ay laging nandyan sa mga bagay bagay na kailangan natin ng desisyon na sa huli hindi tayo magsisisi.

SSG


SSG


MGA PANGAKO ,IPAKO

Ngayong taong ito ,mga bagong SSG ulit ,sana'y mga pangako ipako hindi puros mga magagandang pangako nalamang . Tuparin at huwag sanang ilaho sa bangin ,sana'y seryosohin at hindi gawing isang laro ,sana'y ang ginawang pagtakbo ay hindi lang bilang paghakot ng boto at hindi ang paghangad ng pagiging isangSIKAT .

kayo'y tumakbo dahil gusto ninyo ,hindi dahil pinilit kayo sapagkat kung hindi naman ninyo kagustuhan ito sana'y hindi nalamang kayo tumakbo.

Hindi ko sinasabi na hindi kayo karapat dapat ,sinasabi ko lamang na sana'y tuparin ang mga inilulunsad na propaganda.