Linggo, Marso 6, 2016

ipaglalaban ba o hindi


maria clara

PUSO O ANG MGA MAGULANG

Sa buhay natin laging nasa likuran natin ang ating mga magulang para alalayan tayo sa ating paglalakad ,alalayan tayo sa ating mga pangarap, at tulungan tayo sa pagdedesisyon ng tama .Ngunit may mga sadyang pagkakataon na kailangan naman nating tumayo ngunit ayaw naman nila sapagkat masyado pa tayong mga bata.
Si Maria Clara ,bata palamang siya'y nahanap na ang kasintahan na sa akala niya'y panghabangbuhay ,nabuhay sya sa kasinungalingan  na pilit sanang itago ngunit hindi naitago ng husto.Ang pagmamahalan nila ni Ibarra'y naglaho sapagkat pinili ni Maria ang kagustuhan ng kanyang mga magulang kesa ang sariling kagustuhan na pagmamahal,
Kayo ano mas pipiliin ninyo puso o ang mga magulang ,kung satingin ninyo na mas sasaya kayo sa piling ng kasintahan ninyo piliin ninyo ang pag-ibig ngunit sana'y isipin muna bago sumabak sa bagong mundong haharapin ,
Sa mga estudyante naman na katulad ko ,mas maganda kung magulang muna bago ang pag-ibig dahil ang lahat ng bagay sa mundo ay makakapag hintay huwag munang madaliin ang buhay sapagkat lahat naman tayo'y darating din diyan.Kung kaya 't ang ating mga magulang ay laging nandyan sa mga bagay bagay na kailangan natin ng desisyon na sa huli hindi tayo magsisisi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento