Sabado, Marso 19, 2016

Ang guro ko


Gurong gusto ko


GURONG NAKAKAALIW

Sa unang tingin tilay makakabahan ka ,parang masungit at hindi mo mabibiro ,sa pagtapak pa lang nya sa pinto tilay mabibingi na ang iyong mga tainga sa katahimikan ,sa una akala ko ayaw niya sa mga maiiingay at gusto seryoso lang ,matalinghaga siya kung magsalita kaya kung di mo maintindihan mga sinasabi nya tiyak na magdudugo ka!:) 
Napaka-kwela ng gurong iyon masarap siyang magturo at tiyak na matututo ka talaga ayaw niyang makakarinig ng kahit anong inglesh sa kanyang oras ,sa oras lang na makaring siya ng inglesh parang umu-usok na kanyang ilong :) .Minsan namumula siya dahil sa sinusutsotan ng aking mga kaklase ,kasi naman napadaan ang Love of her life , sumasabay pati siya at atmosphere naming mga estudyante ,pwede mo ring siyang ituring nanay o dikaya ay mama kaso hindi ako malapit sa kanya kasi ayaw kong masabihan na sip-sip alam nyo naman uso yan ! minsan napa-iyak siya sa harapan namin dahil nakwento nya ang buhay niya sa piling ng kanyang papa na kahit ganoon ,mahal na mahal niya iyon ng buong puso . 
Mamimiss ko ang gurong iyon napakagaling nya para saakin pwede na  siyang magturo sa koleheyo ,!
sana may guro pang tulad nya sa susunod na pasukan .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento