Lunes, Disyembre 7, 2015

PAGNINILAY SA GUSTONG KANTA

 

 silent sanctuary
 HILING


Minsan di ko maiwasang isipin ka... 
Lalo na sa t'wing nag iisa... 
Ano na kayang balita sayo... 
Naiisip mo rin kaya ako... 
Simula nang ikaw ay mawala... 
Wala nang dahilan para lumuha... 
Damdamin pilit ko nang tinatago... 
Hinahanap ka parin ng aking puso... 
Parang kulang nga kapag ika'y wala... 

(Chorus)
At hihiling sa mga bituin... 
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin... 
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin... 
Patungo... 
Ala ala mong tinangay na ng hangin... 
Sa langit ko na lamang ba yayakapin... 
Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala... 

(Chorus)
At hihiling sa mga bituin... 
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin... 
Hihiling kahit dumilim... 
Ang aking daan na tatahakin... 
Patungo sa iyo, patungo sa iyo... 

Bridge:
Ipipikit ko ang aking mata dahil... 
Nais ka lamang mahagkan... 
Nais ka lamang masilayan... 
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na... 

(Chorus)
At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo

PAGNINILAY:
Ang pamagat ng kantang ito ay HILING na siyang kinanta ng 
 silent sanctuary,sa paguguna ng Director na si Galileo Te na siyang pinagunahan at binigyang buhay nina Roberto Sioco at Bettina Santos. Ang kantang ito ay patungkol sa magkasintahang tunay na ipinakita ang tibay ng  kanilang pagmamahalan.Ngunit sa buhay hindi lahat ng lumalaban at ipinaglalaban ay nagtatagumpay sa kwentong ito napakasakit ng naging katapusan.Sila ay nag simula sa pagiging sobrang mapagmahal na magkasintahan lahat sa kanila masaya at matagumpay na nalalagpasan ngunit datapwat,sa makatuwid ng makapagtapos na sila ng kolehiyo at nakapagtrabaho na tila may nag bago.Simula ng makatanggap ng bisa ang kasintahang lalaki ay sobra nang nalungkot ang babae,sapagkat naisip niyang paano na ang magiging anak nila.Mas minabuti na lang manahimik ng babae sapagkat gusto niyang matupad ng lalaki ang kanyang mga pangarap.Ngunit ng dumating ang panahong nagkita ulit sila,akala ng lalaki na may pamilya na ang babaeng kanyang iniirog.
Ang kantang ito ay nababagay sa mga taong lubos kung umibig,sa kantang ito ipinapahiwatig kung gaano mo kamahal ang isang tao.Kapag mag isa ka at walang ginagawa siya at siya ang naiisip mo,na maihihiling mo na lamang na sana bumalik siya na sana may pagkakataon ka pang bumawi pero lahat ng tapos na ay tapos na nasa tao ito kung paano niya ito bibigyang halaga .

Lunes, Nobyembre 23, 2015

pagpapahalaga sa aking magulang

Sitio Ruhat 3 Mambugan
Antipolo CIty
Nobiyembre 23,2015


Mahal kung mga magulang,

                Isang mapagpalang pasasalamat ang aking nais iparating sa pagkakataong ito sa inyo.Ako ay lubos na nagagalak dahil kayo ang inihandog sa akin ng ating panginoong may kapal.Inaruga ninyo ako simula pagkabata hanggang ako ay magkaisip at lumagay sa pusisyon ng pagdadalaga.Nawa'y pagpalain kayo ng ating panginoon at mabigyan ng mahabang buhay.Naaalala ko pa noong aku'y bata pa lamang,tila akoy musmos na batang walang patutunguhan dahil sa hirap ng buhay na ating naranasan,ngunit maraming salamat aking amat,ina dahil kinupkop ninyo ako't inalagaan.Binigyan nyo ako ng magandang edukasyon na kahit nagkakandakuba na kayo sa pag tratrabaho ay inyo pading pinag sisikapang makaahon ang ating pamilya sa hirap ng buhay.Bilang isang anak na binigyan ninyo ng pangalan na Hermie Lyka Robles Estipona hindi lamang sa pangako ,taas noo ku pong ipinapangako na hindi ko kayo bibiguin na naging anak ninyo ako.
Wala na akung mahahanap na kagaya ninyo.At kung dumating man sa puntong akoy papiliin ng ating panginoon kung sino ang magulang na pipiliiin ko ?Kayo ,at kayo padin po.Lahat ng aking sinasalihang palahok mapa loob at labas man ng paaralan ay tanging nakapaloob sa inyo.
Ang lahat ng ito ay aking ding ipinapasalamat sa ating panginoon.


"Ang mga magulang ay hindi lang istrumento ng panginoon upang tayo ay malagay sa lugar na kung saan tayo ay mapapaayos .Sila'y isang inspirasyon tungo sa pagharap ng toong halaga ng buhay.Silay walang katulad kaya naman mahalin natin sila tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili."


Ang inyung anak,



HERMIE LYKA R. ESTIPONA

Lunes, Nobyembre 16, 2015

paniniwala sa ating panginoon

                                                               

                                                               PANINIWALA

Ano ba ang paniniwala?
Ito ay isang makabagbag damdamin na kahit di natin nakikita at nahahawakan tayo ay naniniwala.Madaming klase ng paniniwala pumapanguna dito ang paniniwala natin sa ating panginoon. 
Ang panginoon hindi man natin nakikita o nahahawakan alam nating siya ang pinagmulan ng lahat,Siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat.Pinaka hari sa lahat ng hari.Ang ating panginoon itakwil mo na lahat andiyan pa din para tayoy gabayan.Sa ating mundong umiiral napakadaming paniniwala ang umusbong pero ang lahat ng iyon ay nag papatunay na tayu ay naniniwala sa hindi man lang natin nakikita o nahahawakan ngunit ating nararamdaman at iyun ay ang ating panginoon.Siya ang ating tagapagligtas .Siya lamang at wala ng iba.

parabula ng banga

                     

                        ANG MAHALAGANG ARAL NG PARABULANG "ANG BANGA"
 

                                Sa lahat ng kwenong ating nabasa,sa lahat ng akdang ating nabigyan ng pansin anu ang aral na inyung nauunan?Ang aral bang ito ay iyong isinabuhay at pinagyaman?
Sa parabulang "ang banga" mas napalawak at mas napagyabong ang aking kaisipan upang magsikap at pag ingatan ang aking sarili.Sapagkat ang kwenong ito ay patungkol sa isang babaeng hindi nakapagtimpi ng bugso ng damdamin.Ang kwenong ito, ay nagpapakita din ng unay na kaisipan na bilang babae nararapat lamang na tayo ay mag ibayong pag papahalaga sa ating pangangatawan.Sapagkat ang isang babae oras na mapabayaan hindi na maibabalik ang nawalang kayamanang pinagkakaingatan. Tayong mga kabataan ay hindi lamang kabataan na nabuhay sa mundong ibabaw upang magparami, tayo ay imahe ng panginoong may kapal upang maging sandata sa pag kakaroon ng magandang henerasyon at maunlad na bansa.

Sa kwentong ito ating isipin at ilagay ang ating sarili sa akdang ating nabasa.Sinasabi dito na lahat ng bagay na ating ginawa sa maling panahon,maling oras,at maling pagkakataon ay mag bubunga ng hindi kanais nais at isa pang panibagong pagsubok sa iyo.

Biyernes, Oktubre 30, 2015

Dahil sem-break na

                     

                         Dahil sem-break na!
                                         
                                                     Napakasaya ng bakasyon...Bakasyong kay saya, ngunit ngayon tila ang bakasyong ito ay napakaikli upang magampanan ko ang aking mga kinaikailangan  sa loob ng paaralan.Ano kaya ang aking magandang gawin ngayong walang pasok.Alam ko na kailangan kung gawin lahat ng mga naantas sa akin ng aking mga guro.Una sa lahat,itutuon ko muna ang aking oras sa aking pamilya,sapagkat sa haba ng oras na aking ginugugol sa paaralan ay malimit ang oras na naibibigay ko sa aking pamilya. Pangalawa sa panginoon, hinggil sa aking pagkatao ang panginoon ang aking hindi makakalimutan bagamat tuon na tuon aking katawan sa paaralan hindi mawawala sa aking magsimba.
                                                  
                                                    Pangatlo ay bibigyang tuon ko ang aming proyekto sa p.e na kung saan mahahasa ang aming abilidad sa pag baballroom.Pang -apat ay dadalawin ko ang lolo at lola sa sementeryo ,sapagkat ang pagdiriwang ito ay para sa kanila.Pumapang-lima ang aking mga takdang-aralin,mahirap man ngunit kaylangan kung gawin.Pumapang -anim ang pag aalaga ko sa aking mga alagang aso.Dahil sa dami ng ginagawa ng aking ina kaylangan kung tumulong sa pag aalaga ng mga alaga naming aso.Dahil may ilang araw kaming walang pasok ako ang naantasan sa paglilinis ng bahay dahilan kung bakit naitutuon ko ang aking oaras sa loob ng bahay. 
                                                
                                                  Pang walong gagawin ko sa bakasyong ito ay mag mumuni-muni,kumbaga magtutuon ako ng kaunting oras sa pagpapahinga upang madagdagan ang aking lakas.Pang siyam ay ang pag lalaro ko ng aking paboritong laro.At ang pang sampu,ay ang pag eensayo ko sa nalalapit na laban namin sa regoinal contest kailangan kung galingan dito dahil alam kung dito ako sumasaya at alam kung matutuwa ang aking pamilya.

SEMBREAK NA IKAW ANO ANG BALAK MO?

Lunes, Oktubre 5, 2015

LIHAM PARA SA AKING GURO

Siruna Vil.Sitio Ruhat 3
Mambugan Antipolo City
Oktubre 5,2015



Mahal  kung  guro,

Bilang isang pasasalamat sa kaarawan ng kaguruan isang liham na pasasalamat ang iyong matatanggap.Ako man ay naging pasaway sa iyo sa loob ng ilang buwan ng inyung pag tuturo ako ay lubos na nagagalak dahil hindi kayo nag sasawang magbigay kaalaman sa amin bagkus patuloy kayo sa pag hubog ng aming munting kakayahan sa larangan ng edukasyon. Ang aking liham na ito ay hindi makakasapat sa inyong kadakilaan sa pag hahanda sa amin sa hinaharap . Naway  pag kalooban kayo ng poong maykapal ng kasiglahan at matibay na pangangatawan ng sa gayon ay maraming mag aaral ka gaya ko ang matuto mula sa inyo. Mula sa kadakilaan ninyong hangarin maraming salamat po.Isang maligayang kaarawan aking guro.


Ang inyung mag -aaral,

HERMIE LYKA R. ESTIPONA


Lunes, Setyembre 28, 2015

karapatan ng mga kababaihan





SAPAT NA BA ANG KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN? OO O HINDI?

                                                
                                                  Sa ating makabagong henerasyon sa ngayon sapat na ba ang mga karapatang tinatamasa ng mga kababaihan? OO o HINDI? Kung ako ang tatanungin mas mamarapatin kung sabihing ang karapatan ng mga kababaihan ay hindi pa sapat para iangkop sa ating makabagong henerasyon sa ngayon. Oo marahil inyong mamarapating sabihing mas nabigyan na ng karapatan ang mga kababaihan ngunit mas iibigin kung madagdagan pa ito. Totoong napakarami na ng karapatang pangkababaihan ngunit ito ay hindi ganun ka sapat upang masabing sapat na talaga ang karapatang pang kababaihan .Sa ating bansa ngayon ang karapaang pangkababaihan ay naabuso sa paraang sezual.Marami ngayon  ang sandamakmak ang  mga kababaihang narereype at napapatay sa kadahilanang paglabag sa batas at karapatang pang kababaihan.Sa loob ng tahanan laging nasa kababaihan ang hirap ,babae na nga ang manganganak magsasakripisyo sa pagluwal ng sanggol,kadalasang nagtratrabaho sa bahay sa kababaihan lagi inaasa ang lahat. Maging sa ibang bagay hindi pa din nating masasabing sapat na ang mga karapatang tinatamasa ng mga kababaihan.

Lunes, Setyembre 21, 2015

linggo at sabado





KAGANAPAN



                                                      Araw ng Sabado ang pinaka nakakapagod na araw sa akin.Lubos na napakadami ng aking ginawa sa araw na ito.Gumising ako ng maaga upang dumalo sa paglilinang g aking kakayahan sa red cross.Ako ay lubos na nagalak noong ako ay hikayating sumali patungkol dito.Halos mgkulang na ang aking oras dahil dito ngunit sa awa at gabay ng ating panginoong may kapal ako ay lubos na naging aktibo sa pagdalo.Matapos nito ako ay masaya at pagod na umuwi sa aming tahanan agad akong nakatulog sa sobrang pagod.Nang ako may magising tulog na silang lahat.
Sa araw naman ng Linggo ako ay tumungo sa simbahan kasama ng aking pamilya.kaakibat din nito ang pangalawang araw ng pagdalo ko sa red cross.Sobra pa ding pagod ngunit pagkauwi ko isang nakakagulantang pangyayari ang naganap ang aking alagang aso ay nanganak na.Napaka saya ko lalu na nang aking masaksihan ang mismong panganganak ng aso.

Linggo, Setyembre 20, 2015

opinyon at emosyon sa alagang hayop





ALAGA KO



                                                 Ako ay may alagang aso.Siya ay mabalbon at tila kulat ulap ang balahibo.Ang hayop ay nagbibigay kasiyahan at pampalubag loob sa lahat.Sila ay hindi lamang basta hayop na nakakapinsala kundi isang kaibigan at proteksyon sa araw-araw.
Para sa aking kaalaman at pagninilay ang mga hayop sa ating mundo ay dapat alagaan at ingatan mahalin at pagyamanin. Sa ating bansa maging sa buong mundo napakalaking pusyento na ang nakikita sa patuloy na pag unti ng ating mga likas at natural na hayop. Maraming hayop sa mundo ang tila paubos na maging ang ating pambansang ibon na agila ay maaari na ding mawala dulot sa ating kapabayaan. Sa pagkawala ng kanilang natural na tirahan sila ay umuunti at namamatay.
Ikaw, asko, tayo..Anu ang ating gagawin upang masugpuan ang problemang ito?

Sabado, Setyembre 12, 2015

korea

                                     

                                      Anu ang mararamdaman ko kapag nakapunta ako sa Korea?
                                                 

                                                         Ano nga ba ang aking gagawin kapag ako ay nabigyan ng pagkakataong makapunta sa bansang Korea?Malamang sa malamang ako ay lubos na magagalak lalo na at unang beses kung masisilayan ang ganda ng Korea, unang beses kung malalanghap ang amoy nito at unang beses kung mabibigyan ng pagkakataong mahawakan ang snow mula dito.Napakasaya sigurong makita ang mga iniidulo kung mga artista mula sa bansang ito.Mag selfie sa bawat madadaanan , kumain ng mga pagkaing koreyano at mag mall.Nakakatawa mang isipin pero mas nanaisin kong wag nang matulog kapag ako ay nandoon na susulitin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin.Dagdag pa ,pwede ko nang masilayan ang ganda ng Korea.

                                                       Ngunit kung ako man ay mabigyan ng pagkakataon na makapunta sa bansang ito gugustuhin kung makasama patungo rito ang aking pamilya.Mas masaya kasi kung sama-sama kaming magtatampisaw sa snow, mag seselfie sa daan ,mag mall at mag pa autograph sa mga iniidulo naming K-POP.

Linggo, Setyembre 6, 2015

emosyon sa nalalapit na kapaskuhan





 NALALAPIT NA ANG PASKO
                                 
          
                                       Sa nalalapit na kapaskuhan anu ang iyong mararamdaman? Marami sa atin ang nagsasabi....Ɯy Ninang Ninong pamasko ko ah?Napakadami ang hindi mapakali na masaksihang muli ang tunog ng kalembang ng simbahan sa madaling araw,kumain ng mga kakanin ,at iba pa. Sa makatuwid napakaraming pagkakataong inaabangan sa nalalapit na kapaskuhan kung ako ay mamarapating tanungin ang masasabi ko ay ako ay lubos na nagagalak.
                         
                               
                                    Ako ay masaya lalo na sa nalalapit ng kapaskuhan sapagkat ito ay isa sa mga  pagdiriwang hindi ko lubos makakalimutan .Para sa akin ang nalalapit na kapaskuhan ay isang handog ng puong may kapal sa atin upang ipabatid ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan.Napaka dami kung inaabangan!Isa na dyan ang puto bung-bong,sapin-sapin,kalamay, mainit na puto , at iba pa.Hindi na din ako maka basag pinggan sa paghihintay na gumising sa umaga at magsimba.

                               
                                Totoo ngang ramdam na ang kapaskuhan saan ka man pumunta. Madami na ang nag papatugtog ng pampaskong musika at iba pa. Sa panahon natin ngayon tila malabong maramdaman talaga natin ang tunay na lamig ng simoy ng hangin sapagkat tila sira na ang ating ozoned layer na siyang dahilan ng EL NINYO. Nagkalap na din sa Pilipinas ang ibat -ibang mga palamuting pang pasko na siyang nagpapahiwatig na itoy papalapit na.


                                     Pasko ...Papalapit na ang pasko....Ikaw ramdam mo na ba?


Huwebes, Agosto 27, 2015

PAG-IINGAT (paano mag ingat sa pag papahayag ng damdamin?)

  PAG-IINGAT
                                               Lahat tayo ay may kani- kaniyang pag uugali na siya nating dapat pigilan at isa lugar.Bakit? Simple lamang kung hindi natin pipigilan ang pangit nating pag-uugali marami tayong masasaktang tao. Upang maiwasan ang sakitan pisikal man o emosyonal kinakailangan nating pigilan at sugpuin ang pag uugali nating alam nating makakasakit ng ibang tao.Ano ba ang pupwedeng mangyare kapag hindi tayo nagpigil ng pagpapahayag ng ating damdamin sa iba? Ito ang ilan sa mga maaaring mangyari.
1.Maaaring makasakit ng damdamin ng ibang tao.
2.Maaaring iba ang maging kaisipan sa ibang tao at magdulot ng hindi magandang relasyon o pakikipag kapwa tao.
 Ang pagbabahagi ng ating kaisipan sa ibang tao ay hindi naman masama ngunit lagi nating isasaisip na ito ay dapat nating isa lugar.Sapagkat ang isang taong hangad ay kagandahan sa kapwa iisipin muna kung siya ba ay may masasaktang iba. Marapat na piliin natin ang tamang oras ng pagpapahayag ng ating damdamin.

KAISIPAN UKOL SA '''NCAE''

 'NCAE'

Anu ba ang NCAE? Noon kapag naririnig ko ang NCAE ang iniisip ko agad ito ay isang pagsusulit,ngunit hindi ko alam kung para saan ba ang pag susulit na ito.Napakadami kung hinuha sa pagsusulit na ito,minsan naisip ko anu ang makukuha ko dito gayong hindi pala ito markahang pagsusulit.Lagi kung tanong maging sa aking kapatid na nooy kumuha ng ganitong pagsusulit kung anu ba talaga ang kahalagahan nito.Ayon sa aking kapatid ang NCAE daw ay isang pagsusulit na kung saan matitingnan ang ating pwedeng kuning kurso pagdating ng kolehiyo.
NCAE? Anu ba talaga ito?
Ang NCAE o  National Career Assessment Examination ay isang proseso ng kaalaman upang mahasa ang ating abilidad ng sa gayon ay malaman natin ang ating maaaring pwedeng maging trabaho sa hinaharap.Kung gayon tama nga ang aking kapatid.Ako ay lubos na nagagalak sa pagsusulit na ito sapagkat malalaman ko ang kursong aking kukuhanin pag dating ko ng kolehiyo.
Naglalaro ang aking isipan sa magiging resulta ng pag susulit na ito. Habang ako ay kukuha na ng pagsusulit hindi ko alam ang mararamdaman sa sobrang tagal inaantok ako na para bang wala ka ng maririnig sa sobrang tahimik.Sa awa ng maykapal nasagutan ko naman ng maayos.Basi sa hinuha ng aking kapatid architecture ang lalabas na pangunahing resulta sa pagsusulit na ito.

Sabado, Agosto 22, 2015

PAGBIBIGAY KOMENTARIYO SA BLOG NG AKING KAMAG ARAL

                                      PAGBIBIGAY KOMENTARIYO
                         
                                       Sa pagbisita ko sa blog ng aking kapwa kamag aral aaminin kong nahirapan akong hanapin ang kanilang inihandang blog dulot ng masidhing pag papalit ng kanilang pangalan bilang URL. Kaya naman kung sinu na lang ang nakitaan ko ng blog iyon na lang ang gagawan ko ng reaksiyon . Sa pagbabalik tanaw ko sa blog ni JHENESEY G. DUMIP-IG ang masasabi ko lamang ay kulang siya sa kaalaman upang maibahagi ang tunanay na nilalaman ng kaniyang puso.Bagamat halos walang laman ang kaniyang blog ang maipapayo ko lamang ay gawin niyang makatotohanan ang kaniyang masining na pag kukwento.

                                       Inaasahan ko din naman na maganda ang blog na aking makikita. Bagamat hindi ko makita ang mga blog nila alam ko sa aking pangsarili na nagagawa nila iyon ng mahusay. Ang pag kakaroon ng mahusay na blog ay may taglay na pang unawa sa taong magbabasa, may maayos na paglalahad at malinaw na bokabularyong Filipino.


Sabado at Linggo



 Sa araw ng Sabado at Linggo


                                                     Sa pag sapit ng araw ng Sabado maaga akong nagising dahil sa aking ina kailangan namin siyang tulungan sa pag aasikaso sa gawaing bahay.Sa kabilangt banda nahati ng lubos ang aking oras sa pag tulong ko sa aking ate sa paggawa ng kaniyang gagamiting kasuotan para sa kanyang proyektong sayaw.Sobrang pagod ngunit napaka gaan sa loob na nakakatulong ka lalo na sa pamilyang alam mong andiyan sa tuwing kinakailangan mo sila.

                                                 Pag sapit naman ng araw ng Linggo , sobrang aga ko nanamang nagising kasabay ng ate ko. Pag kamulat ng mata ay agad kung hinanda ang mga lalabhan ginamit ko ang makabagong kagamitan sa paglalaba ang washing machine.Maya-maya'y dumating ang aking ina galing Baras,Rizal dala-dala ang magandang balitang magkakaroon na daw kami ng aking ate ng bagong netbook at cellphone.Ngaung araw ng Linggo hindi mawawala ang pagsamba,muli sa araw na ito gagawin ko na ang aking mga takdang aralin.

Biyernes, Agosto 21, 2015

paano magpahayag ng damdamin?(hermie estipona)



  PAANO MAGPAHAYAG 
NG IYONG DAMDAMIN?

                                           Sa bawat yugto ng ating buhay ay may akibat na tamang pagpapahayag ngdamdamin. Pag ikaw ay nalulungkot o nagsusumamo paano mo naipaparamdam sa iba na malungkot ka?Halimbawa na lamang ay ikaw ay bumagsak sa iyong asignaturang Filipino paano at anu ang iyong gagawin?

                                         Ako bilang isang simpleng mag aaral naipapahayag ko ang aking damdamin sa pamamagitan ng aking emosyon, aksiyon at pagpapakatotoo sa aking sarili maging sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Isang halimbawa nito ay noong ako ay nasa ika-8 baitang ng pag aaral sa sekundarya naranasan ko maging mapag isa at ipagtanggol ang aking sarili.Noong naantasan ang amin pangkat na gumawa ng presentasyon ng sayaw lubos akong nadismaya dahil hindi ko talaga alam kung paano ko magagawang pasunurin ang aking mga kamag aral gayong iba-iba kami ng pananaw.Naranasan ko na mapagkaisahan ng iba pero kahit ganun sila mas minabuti ko na lang maging matatag.Kahit na nalulungkot ako pinilit ko maging masaya at manatiling matatag upang may maisagawang proyekto kahit na aapat lamang kami sa grupo.

                                  Kung pag dating naman sa taong nakasamaan mo ng loob pwede mo naman siyang kausapin personal at kausapin ng maayos.Naniniwala naman ako na ang lahat ng bagay ay nakukuha sa maayos na pag uusap hindi sa pataasan ng galit.


                                Pag dating naman sa usaping pampamilya naipapadama ko ang aking nararamdam sa paraang pag kukwento at ng aking emosyon. Halimbawa na lamang nito ay ang pagtawa kapag ako ay lubos na nagagalak, pag iyak sa tuwing di ko na makayanan ang sitwasyon,pananahimik sa tuwing ako ay nanlulumo at higit sa lahat pagpapakita ng kunot na noo sa tuwing inis na inis o nagagalit.


                              Sa lahat ng pagkakataon dapat lagi tayong maging totoo sa ating sarili.Dapat tayo ay laging may pagkokontrol sa ating sarili .


Linggo, Agosto 16, 2015

ano ang aking gagawin sa second grading?

 ano ang gagawin ko sa susunod na period?

                                                    Marami sa atin ang nagiging mahina ang loob pagdating ng mga pagsubok  gaya ng pagbagsak sa ibang asignatura dulot ng masudhing pagkakaroon ng mababang marka. Marami sa atin ang nag papakalulon sa pagiging hindi palasagot at pagiging mahiyain sa klase kaakibat nito ang  pagbaba ng lakas ng loob.
Noon pa man ako ay aktibo na sa klase.Madami akong gustong isakatuparan kaya nga lang sa estado ng kalagayan ko ngaun akoy nasa unang pangkat na parang ang hirap makipag sabayan. Nasabi ko na mahirap makipagsabayan dahil gusto nila sila lang lagi,gustohin ko mag magtanghal sa unahan ng aking guro at kamag aral ay hindi ko magawa.Ito ang dulot ng pagiging bago ko sa seksyon na ito,laging mali at iba ang tingin ng iba.Hindi naman sa pag mamasama ng mga saloobin nila basta ako hanggat alam ko sa sarili ko na wala akong inaapakang tao kaya at kaya ko.
 Ngaun second grading mas pag iigihin ko ang aking pag aaral.Mas magiging diterminado ako sa lahat ng bagay nawa, gabayan ako ng panginoong maykapal sa lahat ng hakbang na aking gagawin.



Linggo, Hulyo 26, 2015

PAGSASALAYSAY (Nangyari noong Sabado at Linggo)

PAGSASALAYSAY
(Nangyari noong Sabado at Linggo)

                                       Nang magising ako ng Sabado ng umaga napabalikwas ako ng gising dahil sa di inaasahan na huli ako ng gising. Naligo ako ng mabilis at kumain ng napaka bilis.Tumungo ako ng paaralan upang magsagawa ng pag eensayo sa pag arte (thespian).Sobrang kaba ko noong nakita ko si Sir G.sa kadahilanang ako ay nahuli sa pagdalo.Sa di inaasahan hindi naman siya nagalit ,mabuti na lang at naging maayos naman.Sobrang naging makabuluhan ang araw ng Sabado sa buhay ko.Madami akong nakahalubilong ka co thespian ko.Yung iba masasabi ko na mahirap pagkatiwalaan at pakisamahan hindi naman kasi sa panghuhusga madaming nadagdag na may ugaling mahirap pakisamahan.Bagamat umuwi akong pagod sulit naman dahil sa wakas natapos din ang pinapagawa ni Sir sa amin at masaya ako dahil ako ang namuno nito.Nang makauwi na ako ng bahay naku po ang lakas ng ulan.Sinalubong ako ng aking ate at sinabing magpapasama siya sa Coggeo upang bumili ng isusuot niya sa acquatance party na gaganapin sa ika-31 ng Hulyo.Nang marating namin ang pupuntahan namin ay lubos talaga akong napagod dahil sa gutom kaya naman nilibre ako ng ate ko.Ginabi na din kami ng uwi.Natulog ako ng maaga .

                            Nang magising ako sa araw ng Lingo agad akung nagtungo sa kusina upang kuamain.Matapos kumain ako at ang pamilya ko ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.Nang kami ay makauwi na ginawa ko na agad ang mga takdang aralin ko at tinulungan ko ang aking kapatid sa pamamalantsa.Matapos ay ginawa kona ang blog na inaatas sa amin ng aking guro.

PAGLALARAWAN (katangian na gusto ko sa isang kaibigan)

PAGLALARAWAN 
estiponahermielyka.blogspot.com
(katangian na gusto ko sa isang kaibigan)

                                   Ang pag kakaroon ng isang totoong kaibigan ay napakahirap makamtam.Simple lang naman ang gusto ko sa isang kaibigan, gusto ko yung kaibigan na andiyan para intindihin ako,handang tanggapin kung anu man ang mga pagkukulang ko at pangit kung ugali.Isang kaibigan na hindi ako babalikharapin.Masayang matagpuan ang isang kaibigang magalang,hulma sa pangaral ng magulang ,maka Diyos ,at higit sa lahat di marunong makalimot sa pinagsamahan na  inyong binuo.
                           

                                Noon naranasan ko na din magkaroon ng kaibigan hindi lamang basta kaibigan,at iyon ay walang iba kundi ang aking nakatatandang kapatid na ate na nagngangalang Shinna Estipona. Para sa akin siya ang isa sa numero uno kung kaibigan.Halos lahat ng gusto ko sa isang kaibigan ay nasa kaniya na.Mabait, may takot sa Diyos,magalang,marunong manindigan,at maasahan. Siya ay laging nariyan sa oras na kinakailangan ko siya. Naalala ko noong may proyekto ako hindi siya matutulog hanggat hindi pa natatapos ang aking proyekto. Napaka mapag mahal niya at lubos na maasahan. Totoong tao siya ni minsan hindi ko naramdaman na naging madaya siya.Kapag may problema ako siya lamang ang lubos na nakakaintindi sa akin.Hindi niya ako iniiwan hanggat alam niya na hindi ako maayos.Mga katangian na gusto ko sa isang kaibigan ay pawang nasa kaniya na.

                          Kabigan ,kaibigan,kaibigan.....Ikaw,anu ang gusto mo sa isang kaibigan?


       

Linggo, Hulyo 19, 2015

Pamagat: Alamat ni Juan Tamad (hermie lyka estipona)

Pamagat:   Alamat ni Juan Tamad
(hermie lyka estipona) 

                           Isang araw si Juan Tamad ay nag nanasang kumain ng bunga ng bayabas, imbis pitasin na niya ito at kainin mas minabuti pa niyang humiga sa tapat nito at hintayin ang pagbagsak ng bungang kakainin.Sa kaniyang pag aabang sa paglaglag ng bungga inunahan na siya ng babaeng nag ngangalang Mariang Masipag. Agad niyang piƱatas ang bungga nang Makita siya ni Juan tamad ay nainis ito. Siya ang kauna unahang dalagang nagsabi kay Juan na dapat ay di maging tamad. Sa pagmulat ng mata ni Juan ay agad siyang humanga sa babae. Kinabukasan ay nagpasya siya na umakyat ng ligaw sa dalaga agad siyang kinipanayam ng ina ng dalaga at tinanung siya bakit Juan Tama dang kaniyang nagging pangalan.
                          Agad namang tumugon si Juan Tamad sa katanungan ng matanda sinabi niya ang unang dahilan.Naibahagi niya na ang unang dahilan ay nuong pinagtinda siya ng puto ng kanyang ina. Sa sobrang kainitan ng panahon at dala ng kapaguran ay mas minabuti niyang magpahinga.Habang siya ay nagpapahinga ay minabuti niyang tingnan ang kalidad ng produkto  ngunit habang siya ay kumakain  siya ay nahabag sa dalawang gutom na palaka kaya naman minabuti niyang ipakain lahat ng tinda niyang puto sa dalawang gutom na palaka. Habang siya ay pauwi na nakuha niyang magsinungaling sa kanyang magulang upang hindi mapagalitan bitbit niya ang dalawang palaka. Sa galit ng kaniyang ina ay pinagbabato siya ng mga kagamitang pangbahay.
    Ikalawang dahilan ay nuong  kumalap ang galis at garapata sa kanilang bayan. Sa kadahilanang di makakayanang lumabas ng kaniyang ina dahil nangangati sa pulgas ng aso ay naantasan siyang magbenta ng palayok sa palengke. Sa di inaasahang pangyayari dala ng kaantukan ay nabangga  siya ni Mariang Msipag na naka bisekleta. Agad na humingi ng paumanhin Si Mariang Masipag  dahil sa aksidenteng nabasag ang mga palayok na bitbit ni Juan.Ginawan ng paraan ni Juan ang mgga basag na palayok dinikdik niya ito ng pinong pino at ibinalot sa dahon. Siya ay nagtungo sa palengke upang ibenta ang pinong palayok na di umanoy gamut sa pulgas.Tinangkilik ito ng mga tao ngunit nang malamang ito ay hindi naman talaga gamot agad siyang dinumog ng mga galit nag alit na taong bumili sa kanya.Umuwi siyang dala dala ang pait na sinapit nang hinanap ng kanyang ina ang pinagbentahan ng palayok siya ay nagsinungaling kaya naman nagalit sa kanya ang kaniyang ina.Dahil sa nangyari pinaluhod siya sa asin ng kaniyang ina upang magtanda. Matapos ay pinabili siya ng asin upang may magamit sa pagluluto ang kaniyang ina. Nang siya ay makabili na napadaan siya sa ilog nais niyang maligo sa ilog ngunit nagdalawang isip siya na baka manakaw ang asin na kaniyang binili kaya naman nilubog niya ito sa malapit sa dalampasigan habang siya ay naliligo. Matapos niyang maligo kinuha niya ang biniling asin nakita niyang natunaw na ito umuwi siyang bitbit ang supot ng asin at sinabi sa kanyang ina na ninakaw ang asin na binili. Dahil sa ginawa niya galit  na galit ang kaniyang ina.
 Matapos ang insidenteng iyon siya ay naglakas loob na manligaw sa dalagang si Mariang Masipag ngunit taliwas sa kagustuhan ng ina ni Maria ang panliligaw ni Juan dahil sa katamaran nito.Isang araw naantasan muli si Juan na bumili ng alimango sa palengke bago manligaw kay Mariang Masipag. Nang siya ay nasa tapat na ng bahay ni Mariang Masipag mas inuna niya ang pagliligaw kaysa sa utos na binilin ng kaniyang ina.Sa halip na iuwi sa bahay ang mga alimangong binili inutusan niya itong umuwi sa bahay at sinabing sa pangalawang kanto lumiko kayo at sa pang pitong pinto doon ang kanilang bahay.
Matapos ang pangyayaring iyon masaya siyang nagtungo sa bahay ni Mariang Masipag upang umakyat ng ligaw.Galit na galit ang ina ni Maria sa tamad na si Juan ngunit di ito inalintana ni Juan . Sa bahay bakuran nina Maria nadatnan ni Juan na naglilinis ng bakuran si Maria pinuntahan niya ito at ginamitan ng mga matatamis na salita.
Naabutan naman ng ina ni Maria ang pagliligawang ginagawa kaya naman mabilis nitong tinungo ang kinaroroonan nina Maria at Juan.Pinauwi niya si Juan sa kadahilanang hinahanap ito ng ina at baka daw mahawa si Maria sa katamaran ni Juan.
Nang makauwi si Juan agad na hinanap ng kaniyang ina ang mga alimanggong nabili laking gulat ni Juan dahil hindi pa pala nakakauwi ang mga alimanggong kaniyang binili sa palengke.Naupo sa isang tabi ang kaniyang ina lumong lumo sa nangyari at dala ng katandaan sumakit ang puso niya dahil sa paulit-ulit na gawain ng anak.
Sa isang dako naman ay hinihintay ni Maria si Juan ngunit  hindi nakasipot si Juan dahilan ng pagbabago nito. Nakita ni Maria ang buong pagbabago ni Juan .Kumbaga hindi na siya ang dating Juan na mas inuuna ang mga bagay na hindi naman importante, hindi na siya ang Juan na mas uunahin ang layaw ng katawan at lalong hindi na siya ang dating Juan na walang pagpapahalaga sa oras at magulang.
Ito ang simula ng kaniyang pagbabago. Ngunit dahil na rin sa kagustuhan at paninigurado ng mga magulang ni Maria sinubok nila ang katatagan at diterminasyon ni Juan.Pinagtrabaho nila ito at matagumpay na naisagawa ni Juan ang lahat.Lagi na siyang gumagawa ng tama.Naikasal sila ni Mariang Masipag at nang lumaon hindi na Juan Tamad ang tawag sa kaniya kundi Juan Tama na dahil lagi ng tama ang kaniyang ginagawa.